Stephanie
Denise
Montenegro.

Westwood Senior.
Seventeen and forever young.

"Just get back up when it knocks you down."


Note:
Not the real Tippy Dos Santos.
For roleplay purposes only.

Uhm.. hi.

Summer love

Summer love

Foodtrip has no limits || Kenjie and Steph

kenjievalenciano:

Hindi masyadong inisip ni Kenjie ang paghawak ni Steph sa kanyang kamay. Sanay na kasi siya sa mga ganun. Ang nagpailang lang sa kanya ay ang pagtingin ni Steph sa magkahawak nilang kamay ngunit kanya lamang itong nginitian. "Utang mo yan sa’kin. Nang-iiwan ko eh tapos babalik malapit nang graduation. Saan ang hustisya doon, Steph?!" pabiro niyang sabi. Nginitian niya ang matandang naging malapit na din sa kanya at umorder ng pagkain nila. Konti lang ang namimili dahil may pasok pa ang mga lower years. Kinuha niya ang unang batch nila ng fishballs at umupos sila sa may bench. "Teka lang, bibili muna ako ng Coke," sabi niya bago tumayo at bumilli sa malapit na tindahan. Ibinigay niya kay Steph ang naka-plastic na inumin at nagsimula na silang kumain. "Sa’n ka ba galing, tol?"

Tumawa nalang siya sa sinabi ni Kenjie. Kahit kailan talaga ay napaka palabiro nito. "Thanks." Tinanggap niya naman agad ang inumin at nagsimula na rin itong kumain. "Hmm? Aku? Sha Shoker Fild." Tinawanan naman ito ni Kenj. Para daw kasi talagang bata kahit kumakain. Uminom muna si Steph ng coke bago tumawa saka nagsalita ulit. "Sorry. Sabi ko naman sayo nagugutom ako. Sa soccer field ako galing." Tinaasan lang siya ng kilay ng kaibigan dahil sa ginawang pamimilosopo nito. Binigyan niya ito ng ‘hindi-mo-pa-sinasagot-ang-tanong-ko-look.’ Pumeke muna siya ng ngiti bago ito sinagot. "Sinabi ko na naman yun sayo kung saan ako galing ah."

Foodtrip has no limits || Kenjie and Steph

kenjievalenciano:

Nang makita na niya ang dalaga, doon napagtanto ni Kenjie kung gaano niya ito na-miss. Marami  siyang tnong dito pero alam niyang makakahintay ang mga iyon. Sa ngayon ay mas uunahin niya ang pag-make up sa panahon kung kailan hindi niya nakita ang dalaga. Hindi siya nagdalawang-isip na yakapin ito nang mahigpit. Kilala si Kenjie bilang isang napaka-affectionate na tao, dahil na din sa lumaki itong puro babae ang mga kapatid. Hindi natinag ang malaking ngiti niya kahit na kumawala na si Steph sa yakap niya. Hindi na pinansin ni Kenjie ang pagpalo ni Steph sa kanya. Sanay na rin kasi siya sa “pang-aabuso” nito sa kanya. "Langya ka rin, nawawala ka lang nang parang bula!" sagot nito habang hinahatak si Steph papunta sa ifshballan ni Mang Dong. "Libre mo na ako, friend."

"Anong libre? Ako pala manlilibre?" Huminto muna sila dahil sa sinabi ni Steph. Nagkamot naman ng ulo si Kenjie dahil sa inasta nito. At sabay naman silang tumawa. "Biro lang, sir. Tara na." This time, siya naman ang humila kay Kenjie. Habang naglalakad sila, bigla siyang na-aware sa ginawa niya. Hawak-hawak niya ngayon ang kamay ni Kenjie. Tinignan nito ang kamay nilang dalawa saka naman niya tiningnan si Kenjie na nakatingin din pala sa kanya. Patay malisyang nginitian nalang niya ito at binalik ang tingin sa dinadaanan. "Ayan na pala si Mang Dong oh. Kainan na to!" Pumalakpak naman siya na parang bata.


Get Lost in PARADISE. #wwretreat14
"Bacuit Bay is dotted with islands and islets, most of which are inhabited. Its clear blue waters are teeming with marine life. There are over 30 dive sites ranging in depth from six to more than thirty meters."
On Thursday, March 27, 2014, head on over to the school entrance with your bags and beach-ready personality for a retreat no one will ever forget! Assembly starts at 4 AM and will leave an hour later. Expected time of arrival is noon, and departure from El Nido will be on Sunday, also at noon. Please be guided accordingly and hope you’ll enjoy your time at the island. Treat it like your second home. :)

Get Lost in PARADISE. #wwretreat14

"Bacuit Bay is dotted with islands and islets, most of which are inhabited. Its clear blue waters are teeming with marine life. There are over 30 dive sites ranging in depth from six to more than thirty meters."

On Thursday, March 27, 2014, head on over to the school entrance with your bags and beach-ready personality for a retreat no one will ever forget! Assembly starts at 4 AM and will leave an hour later. Expected time of arrival is noon, and departure from El Nido will be on Sunday, also at noon. Please be guided accordingly and hope you’ll enjoy your time at the island. Treat it like your second home. :)

Foodtrip has no limits || Kenjie and Steph

kenjievalenciano:

Nababagot na sa kanyang upuan si Kenjie habang nagpapractice sila ng graduation rites. Buti na lang at halfday lamang sila dahil hindi niya alam kung anopa ang pwede niyang gawin para hindi na lang bigla humiga at matuog sa may bench. Nang dinismiss na sila, nakita niya sa Tumblr na nagbalik na si Steph. Napangiti siya at dali-dali itong tinext ng mapagbirong “LOL hu u”. Dalawang buwan ding hindi nagparamdam ang dalaga at magsisinungaling si Kenjie kung sasbaihin niyang hindi niya naiss ang dalaga. Nagpalitan sila ng masasayang text hanggang sa dumating sa paksang tungkol sa pagkain ang napag-usapan nila. Katatapos niya lang mananghalian, pero wala siyang reklamong kumain ulit lalo na’t kasama ang isa niyang malapit na kaibigan. 

Madaling nakita ni Kenjie si Steph sa may gate. Nakatalikod ito sa kanya kaya napag-isipan niyang gulatin ito. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang bibig sa tenga nito at bigla na lang bumulong. “Hi miss.”

Habang naghihintay si Steph sa may gate, nag-iisip ito kung anong una niyang sasabihin kay Kenjie. Syempre, ayaw niyang malaman ng kaibigan na may gusto siya rito. Yes, she already made up her mind pagkatapos ng pag-uusap nila ni Ava. Siguro nga kailangan niyang tanggapin na may nararamdaman siya para sa binata kahit hindi naman talaga siya nag-eexpect ng kahit na anong kapalit. Alam niya kasing kapag pinigilan niya ang nararamdaman ay baka lumala lang at umabot pa sa puntong singpula na niya ang kamatis kapag kausap si Kenjie.

Napako si Steph sa kinatatayuan niya nang biglang may bumulong sa tenga niya. Naramamdaman niya pa talaga ang hininga nito. "Huh?" Bigla namang napatawa ang lalakeng nasa likuran niya. Oo, lalaki ito. At kilalang-kilala na niya kung sino ang taong yun kahit tawa lang ang narinig niya. Dali siyang lumingon sa kaibigan at hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito. Bigla namang tumikhim si Kenjie na naging dahilan paralumaki ang mga mata nito sa gulat. Bakit niya nga ba ito niyakap? Naging awkward pa tuloy. Kaya dali-dali siyang umalis sa yakap at tumawa si Kenjie na para bang alam nitong nahiya siya at tila pinapamukha pa sa kanya. Sinamaan niya nalang ito ng tingin at pinalo sa braso. "Langya ka, ginulat mo ko!"

Foodtrip has no limits || Kenjie and Steph

Nasa soccer field si Steph habang nagmumunimuni at tila sinusubukang i-memorize ang paligid. Na late na kasi siya sa practice. Matagal na nga siyang nawala sa Westwood, na-late pa siya. Buti nalang at nakita niya si Jayden. Nakakwentuhan niya ito tungkol sa kapatid niyang si Abi. Pero nung umalis na si Jayden, siya nalang ulit mag-isa. She sighed. Hindi niya talaga gusto ang mga ganitong sandali. Ayaw niyang mag-isa kasi parang nagiging emotional siya bigla. Buti na lang at may dumaang grupo ng mga studyante na sobrang ingay. Di niya tuloy mapigilang maalala ang mga nangyari sa 4th year niya sa high school. Kahit hindi siya masyadong nagtagal sa Westwood ay marami rin naman siyang masasayang alaala na dadalhin niya habang buhay. Namiss niya talaga ang mga tao dito. Kung kailan malapit nang matapos ang high school, saka pa niya kailangang paulit ulit na bumalik sa hospital. Pumikit na lamang siya at dinama ang lamig ng hangin. Lumipas ang ilang segundo, biglang tumunog ang cellphone nito. Nagulat siya ng makita kung sino ang nagtext. Si Kenjie. Bigla naman siyang napangiti sa tinext nito. Ikaw ba naman ma-“Hu u” ng crush mo. Dali niya itong nireplyan. Matagal niya na kasing di nakausap ang kaibigan at namimiss niya na ito. Lalo namang lumapad ang ngiti niya nang niyaya itong kumain. Perfect timing naman dahil nagugutom na siya at wala siyang kasama kaya hindi na siya nag dalawang-isip na pumayag.

She stood up. At dere-derechong pumunta kung saan napagkasunduan nilang magkita. Habang naglalakad, hindi niya mapigilang ngumiti. It’s going to be a long day.

Kay tagal din nating di nagkita~

jaydenreneza:

stephmontenegro:

jaydenreneza:

Aantayin ko muna yung reply niya, baka kasi busy din siya.

Ikaw bahala hehehe.

Tsaka baka galit pa sakin yun.

Bat naman magagalit?

LOL hu u

kenjievalenciano:

stephmontenegro:

stephmontenegro:

Naks maka hu u naman to

Sige go. Dali na. Nagugutom na talaga ako. Hahaha.

Oo na, oo na! Papunta na

Yayy!